Dahil sa hindi magandang lagay ng panahon, hindi nabigyan ng pagkakataon ang bagong testigo sa pagpatay kay Kian delos Santos na maidetalye ang kanyang nalalaman makaraang kanselahin ang pagdinig ng Senado kahapon.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, ganito rin ang gagawin sa testigo sa pagpatay kina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman.

Nauna nang sinabi ng Public Attorney’s Office (PAO) na may bagong testigo sa kaso nina Arnaiz at De Guzman.

“Positively identified ho niya kung ano ‘yung nangyari, ‘yung aktuwal na pagpatay. At kung may kasama, dalawa ‘yang dala ng pulis doon,” ayon kay PAO chief Atty. Persida Rueda-Acosta. - Leonel M. Abasola

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race