Ni: Marivic Awitan

NANATILI ang marka ng defending champion National University nang mailusot ang 69-66 panalo sa overtime kontra University of the East nitong Linggo sa UAAP Season 80 women’s basketball tournament sa Blue Eagle Gym.

Kumana ng tig-14 puntos sina Rhena Itesi at Jack Animam para sandigan ang Lady Bulldogs mula sa 17 puntos na paghahabol tungo sa pahirapang panalo na humila sa kanilang winning streak sa 49.

“It’s good for us to have this kind of game,” pahayag ni NU coach Pat Aquino.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“It makes us mature enough and make us realize that we’re vulnerable. Aside from that, I’ll take that game no matter what. We fought hard for it and I think the girls deserve that win.”

“I try to make use of all my players just to make them feel the game. It’s just a long season this way. I see myself having everybody be prepared in such situations,” aniya.

Nanguna si Ruthlaine Tacula sa Lady Warriors sa natipang 26 puntos, habang kumubra sina Love Sto. Domingo at Eunique Chan ng 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sa MOA Arena, ginapi ng Far Eastern University, sa pangunguna ni Isabel Balleser sa naiskor na 16 puntos, ang last season’s runner-up La Salle, 70-62, habang nadomina ng University of Santo Tomas, sa pangunguna ni Jem Angeles na may 24 puntos, ang University of the Philippines, 85-58.

Pinataob naman ng Ateneo Lady Eagles ang Adamson Lady Falcons, 61-58.