GINAPI ng Ateneo, sa pangunguna ni Marck Espejo, ang University of Santo Tomas, 25-21, 25-17, 25-18, nitong Sabado sa men’s division ng Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference The Arena sa San Juan.

Umiskor si Espejo, three-time UAAP MVP, ng 17 puntos, tampok ang 13 attack.

Nag-ambag sina Ishmael Rivera at Karl Baysa ng 10 at siyam na puntos, ayon sa pagkakasunod para sa 3-0 marka ng Ateneo.

Nanguna sa UST (2-1) si Joshua Umandal sa naiskor na 13 puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Samantala, naungusan ng Far Eastern University ang La Salle, 25-23, 25-19, 23-25, 25-18.

Hataw si John Paul Bugaoan sa natipang 17 puntos para sa FEU, habang nag-ambag sina Johhn Paler ng 14, Richard Solis na may 13 puntos at Jude Garcia na kumana ng 11.

Kumubra si Arjay Onia ng 19 puntos para sa La Salle, nabigo sa ikalawang sunod na laro.