Ni: Bella Gamotea at ng Reuters

Ligtas ang tinatayang 700 Pilipino sa Mexico kasunod ng pagtama ng 8.1 magnitude na lindol sa naturang bansa, na kumitil ng 61 katao, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ito ang kinumpirma ng DFA matapos matanggap ang inisyal na impormasyon mula sa Embahada ng Pilipinas sa Mexico na walang Pilipinong nasaktan sa lindol.

“The Philippine Embassy in Mexico has reported that it has not received any report of any Filipino casualties. We are also thankful that Ambassador De Vega was unhurt despite the close call he had in Oaxaca,” pahayag ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Handa ang Embahada ng Pilipinas na magbigay ng kaukulang ayuda sakaling may Pilipinong nadamay sa insidente.

Sa kabila nito, sa pag-antabay ang DFA at ang Embahada ng Pilipinas sa sitwasyon sa Mexico.

Kaugnay nito, umabot na sa 61 katao ang namatay nang yanigin ng mapaminsalang lindol ang Mexico sa loob ng walong dekada, na bumiyak sa mga gusali at sanhi ng paglikas ng mga tao mula sa mahihirap na lugar sa katimugang bahagi ng ng Oaxaca at Chiapas.

Ang 8.1 magnitude quake na tumama sa timog ng dagat nitong Huwebes ay mas malakas sa lindol noong 1985 na pumatag sa kapaligiran ng Mexico City at kumitil ng libu-libong katao.