Ni: Marivic Awitan

MULA sa pagiging stringer sa unang dalawang season sa PBA at ang pagbaba sa D-League sa nakalipas na taon, tila handa na si Juami Tiongson sa kanyang bagong katayuan sa pro league.

Nitong Linggo, nagpamalas ang dating Ateneo guard ng breakout game nang magtala ng 21 puntos, apat na assists, at tig-isang steal at block para sandigan ang NLEX sa 109-99 paggapi sa GlobalPort.

Nag-init ang 26-anyos na playmaker sa final canto kung saan pumukol ng apat sa kabuuang limang 3-point shots na siyang nag -angat sa Road Warriors palayo sa Batang Pier.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Dahil dito, nahirang ang 12th overal pick noong 2014 PBA Rookie Draft para maging PBA Press Corps Player of the Week sa unang pagkakataon kung saan tinalo niya sina Ginebra big men Japeth Aguilar at Greg Slaughter, Alaska forward Calvin Abueva, Blackwater slotman JP Erram at guard Mike DiGregorio, TNT veteran guard Jayson Castro at rookie Roger Pogoy at GlobalPort forward Sean Anthony at top gun Terrence Romeo.

Nagtala ang NLEX young guard ng average at career high na 8.0 puntos, 1.5 rebounds at 1.4 assists ngayong conference.