NI: Bella Gamotea

Panibagong asunto ang kinakaharap ngayon ng isang babaeng preso matapos makuhanan ng dalawang pakete ng hinihinalang shabu sa loob ng kanyang selda sa Taguig City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Annie Bungay y Dela Cruz, 39, ng No.7 Lansones Street, Barangay Pinagsama, Panam Village, Taguig City.

Sa ulat na ipinarating sa Southern Police District (SPD), nagsagawa ng sorpresa at random inspection ang duty jailer ng Taguig City Police Station sa female detention cell, bandang 5:00 ng hapon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Napansin ang kahina-hinalang kilos ng suspek kaya agad siyang ininspeksiyon at tuluyang nakuha sa kanya ang dalawang selyadong pakete ng hinihinalang shabu.

Nakakulong si Bungay sa kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Gambling Law.

Siya ngayon ay sinampahan ng paglabag sa Section 11, Article II Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.