Ni NITZ MIRALLES

BIG fan pala talaga ni Maja Salvador si Maymay Entrata. Nang padalhan ni Maja si Maymay ng crab fat pasta, sobra-sobra ang pasasalamat ng bida ng Loving In Tandem. Ipinost ni Maymay sa Instagram ang padalang food ni Maja pati na ang kasamang note na, “Dearest Maymay, enjoy n’yo ang crab fat pasta! Hinay-hinay lang sa kanin! Congrats sa movie!”

MAYMAY copy

Nag-comment si Maymay ng, “Ma’am, paminsan-minsan lang po ‘to. Pero Ma’am ‘di ko na po mapigilan. Maraming salamat po talaga, Ms. Maja. Grabe, ma’am, alam ko naman pong nakakahiya po ‘to pero nu’ng nalaman po ni Ms. @starmagic_peach na baliw at mabait ka po mas lalo pa po kitang hinahangaan at sa mga payo n’yo po, ma’am. Ma’am, parang sasabog ang puso ko ngayon. Sobrang grabe! Totoo po ba ito? Pero, ma’am ayoko na pong pahabain, basta ang masasabi ko po na maraming salamat po. Isa ka sa mga totoo at inspirasyon dito po sa industriyang ito.”

Human-Interest

KILALANIN: Mga alkalde ng Metro Manila na nasa huling termino na

Pati fans ni Maymay ay nagpasalamat sa ipinakikitang concern at love ni Maja sa favorite nila. Pinayuhan din nila si Maymay na huwag lalaki ang ulo lalo na ‘pag nag- hit ang Loving In Tandem na showing na sa September 13.

Si Giselle Andres ang director ng unang pelikula ni Maymay at ka-love team na si Edward Barber.