Ni ELLSON QUISMORIO

Tiniyak muli ni House Committee on Appropriations Chairman at Davao City Rep. Karlo Nograles na gagamitin ng Kamara de Representantes ang “power of the purse” nito sa pagsisimula ng plenary debate sa panukalang P3.767-trilyon national budget para sa 2018.

Sinabi ni Nograles na ito ang final stage ng deliberasyon ng panukakang budget sa Mababang Kapulungan.

Dakong 10:00 ngayong umaga, magbibigay si Nograles ng kanyang sponsorship speech para sa House Bill (HB) No.6215 o ang 2018 General Appropriations Bill (GAB) sa plenaryo, na maghuhudyat ng pagsisimula ng debate sa budget ng 300 miyembro ng Kapulungan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ni Nograles na sisikapin nilang matatapos ang mga debate sa Biyernes, Setyembre 8, at maipasa ang HB No.6215 sa ikatlo at pinal na pagbasa. Inaasahang malalagdaan ito bilang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte bago o sa mismong Nobyembre 15.

“Passing the national budget before the end of the year is a tradition that Congress intends to keep under the Duterte administration,” anang Nograles.

Kabilang sa mga ahensiya na nakalinya para sa plenary defense ngayong araw ay ang mga panukalang budget ng Department of Budget and Management (DBM), na idedepensa ni Nograles; Department of Finance (DOF), ni Camarines Sur 2nd district Rep. LRay Villafuerte; National Economic and Development Authority (NEDA), ni Albay 2nd district Rep. Joey Salceda; Department of Tourism (DOT), ni Rizal 1st district Rep. Michael John Duavit at Department of Labor and Employment (DOLE), ni Isabela 2nd district Rep. Ana Cristina Go.