Ni ADOR V. SALUTA

KINUMPIRMA ng Pinoy Big Brother Teen Edition grand winner na si Myrtle Sarrosa na naging bukas siya sa ideya na subukang lumipat sa ibang TV network.

Minsan nang napabalita na may balak umalis sa ABS-CBN si Myrtle dahil sa hindi pag-usad ng kanyang career.

mYRTLE--1 copy

Human-Interest

KILALANIN: Mga alkalde ng Metro Manila na nasa huling termino na

“Well, may mga inquiries ng ibang networks,” pahayag ni Myrtle nang humarap sa media kamakailan pagkatapos pumirma ng renewal of contract as Sister Sanitary Napkin and Pantyliner endorser.

“Actually, may inquiries kami for other networks but we decided to stay sa ABS-CBN.

“Kasi right after, right even before I graduated ang dami nilang ‘binibigay na projects sa akin. ‘Tapos never naman nagkulang sa akin ang ABS,” paliwanag ni Myrtle.

Samantala, hindi niya itinanggi na happy ang lovelife niya ngayon sa isang Filipino-American bagamat nanliligaw pa lang ito ngayon. Cosplayer din na tulad niya ang guy na naka-base na sa US.

“Isa siyang Pinoy pero American citizen na siya. ‘Yung manliligaw ko po ngayon hndi po siya taga-showbiz and hindi rin po siya taga-industry. He’s a cosplayer sa ibang bansa, sa U.S.,” kuwento ni Myrtle.

Ang bago niyang manliligaw kaya ang dahilan kaya nabanggit niya na naisip niyang maging cosplayer din sa ibang bansa?

“Kasi iba rin ‘yung world ng cosplaying, eh. Kasi kapag pumunta ka sa ibang bansa, nagko-cosplay ka, sobrang ano rin siya, eh, parang pag-aartista rin but on a different kind. Mas hindi ko ‘yun trip, eh. Mas gusto ko po talaga mag-acting. So, ‘yun.”

Dati na silang magkakilala ng suitor niya.

“Oo, six years ago pa,” ani Myrtle.

“‘Tapos hindi kami nagkita for the longest time. Pero gusto po naming i-keep sa sarili namin kasi baka ma-jinx kasi kapag ‘kinukwento sa iba, eh,” nakakaaliw na sey ng dalaga.