SINANDIGAN nina transferees William Navarro at Marco Sario ang Ateneo Blue Eagles tungo sa 97-85 panalo kontra National University Bulldogs kamakailan sa 15th Fr. Martin Cup Division 2 basketball tournament sa San Beda-Manila campus sa Mendiola.

ateneo copy

Hataw si Navarro, dating mainstay ng San Beda College sa NCAAm,sa naiskor na 23 puntos para sa ikalawang panalo sa tatlong laro. Nagambag si Sario, nagmula sa Universityy of Santo Tomas, ng 20 puntos.

Umabante ang Blue Eagles sa pinakamalaking 17 puntos na bentahe nang maitumpok ni Rodney Manuel ang 10 puntos.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Bunsod ng panalo, nakatabla ng Blue Eagles sa Bulldogs sa Group A sa parehong 2-1 karta.

Sa junior division,ginapi ng Rich Golden Shower Montessori School Spartans, sa pangunguna ni Joel Ospeg sa naiskor na 28 puntos, ang La Salle Greenhills, 80-68.

Nagwagi naman ang San Beda-Rizal Red Cubs-A, sa pangunguna ni Justine Sanchez na may 23 punto, ang San Beda-Manila B, 137-68, habang namayani ang San Beda-Manila Red Kittens-A kontra San Beda-Rizal-B, 81-40, at pinabagsak ng Mapua Red Robins ang St. Michael School, 81-56.