Ni: Leandro Alborote

CAPAS, Tarlac – Nagsalpukan ang dalawang SUV sa North Road, Barangay Sto. Domingo 2nd, Capas, Tarlac na ikinasugat ng apat na katao, nitong Miyerkules.

Kinilala ang mga biktima na sina Evelyn Cubacub, 42; Myrna Gooch, 59, ng Bgy. Mangga, Capas; at Jayson Santiago, 27, ng Bgy. New Era, Dasmariñas, Cavite.

Lulan umano ang mga biktima sa Toyota Revo (XTS-761) na minamaneho ng sugatan ding si Rowena Velasquez, 43, may asawa, ng Bgy. Mangga, nang makabanggan ang Mitsubishi Montero ni Stanlee Lancelo Quitalig, 26, may asawa, ng Bgy. Cut-Cut 1st.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Bandang 10:45 ng gabi at binabagtas ni Quitalig ang katimugan ng Capas nang sumalpok ito sa kasalubong na Revo.