Ni: Light A. Nolasco

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Patay ang isang 55-anyos na irrigation technician matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem nitong Lunes.

Kinilala ni Supt. Reynaldo dela Cruz ang biktimang si Ricardo Castillo, may asawa, water resources facilities technician ng National Irrigation Administration-Upper Pampanga Integrated Irrigation System (NIA-UPRIIS) Division I Office, sa CLSU Compound sa Science City of Muñoz.

Agad na binawian ng buhay ang biktima dakong 6:30 ng umaga nang malapitang pinagbabaril ng riding-in-tandem habang may kausap sa cell phone.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Narekober ng pulisya sa crime scene ang dalawang basyo ng bala mula sa .45 caliber pistol at ang cell phone ng biktima.

Tinitingnang motibo ng pulisya ang namumuong love triangle sa pagitan ng biktima, ng iniwanang misis at ng umano’y kalaguyong kapitbahay.