Ni NORA CALDERON

MULING binigyan ng grand vacation ni Mr. Antonio Tuviera ang hosts, executives at production staff ng kanyang noontime show na Eat Bulaga simula pa nitong nakaraang Linggo, Agosto 26 hanggang kahapon.

Ito ay pasasalamat din niya sa pagdiriwang nila ng 38th anniversary.

Dabarkads sa Japan copy

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sa Oita Prefecture sa Kyushu, Japan pumunta ang hosts at executives ng show.

Bago siguro sa pandinig ng iba ang lugar, pero batay sa instagram stories na ipinost nila, napakaganda ng lugar, green na green ang mga dinaanan nila papunta sa Oita, ang capital ng Oita Prefecture. Nagkasama-sama roon sina Vic Sotto and wife Pauleen Luna, Ryan Agoncillo and wife Judy Ann Santos, Joey de Leon and wife Eileen Macapagal, Alden Richards, Maine Mendoza, Allan K, Ruby Rodriguez, Anjo Yllana, Jimmy Santos, Patricia Tumulak, Mr. & Mrs. Antonio Tuviera, Ms. Jenne Ferre, Ryzza Mae Dizon and her mom, Baey Baste and his mom, at iba pang executives ng Eat Bulaga.

Nakakatuwa na parang big family sila na lumalabas, kumakain, at namamasyal na magkakasama.

Napansin din namin sa pictures nila na pawang fresh ang mga kinakain nila at wala yatang fried food dahil lahat ay iniihaw. Nagsuot din sila ng mga kimono, ang national costume ng Japan.

Naiiba rin ang paliguan nila na tinatawag na onsen na kitang malinaw na malinaw ang tubig. Kilala o famous sa hot spring ang lugar, pero dahil summer ngayon doon, hindi sila pumunta sa mga ito. Nag-post din sina Ruby at Allan K ng photos ng garden doon na pinasyalan nila at talaga namang ang gaganda.

Medyo nagkaroon ng agam-agam ang fans nila dito sa balitang nagpakawala ng missile ang North Korea at lumipad ito over Japan noong Tuesday morning, pero nakahinga sila nang maluwag nang ireport na ang sinasabing missile ay dumaan sa Hokaido, Japan at 6:09 AM at sa North Pacific ito tumama. Ayon pa raw sa North Korea ang missilie na pinakawalan nila ay may camera at sa karagatan nga ng Japan bumagsak.

Kaya enjoy pa rin ang Dabarkads sa pamamasyal roon. Ang AlDub Nations ay naghahanap ng pictures nina Alden at Maine, pero wala silang post na magkasama kundi silang lahat. Sa IG story nina Ruby at Allan, maririnig ang boses ng dalawa, sabay din silang kumakain at may picture pang na-post na nakita sa glass ng sunglass ni Judy Ann na kinukunan ng picture ni Alden si Maine.

Magkakasama rin sila sa pagpunta sa bar. Maaga raw magsara ang establishments doon, bars lamang ang bukas hanggang midnight.

Naunang bumalik ng Pilipinas si Alden. Dumating siya kagabi dahil kailangan niyang bumalik para sa rehearsal ng concert nila ni Sarah Geronimo for Cebuana Lhuillier sa Mall of Asia bukas, September 1. Ngayong gabi ang balik ng iba pang Dabarkads at bukas, live na ang Eat Bulaga.

Ang production staff naman ay sa Boracay nagpalipas ng limang araw na bakasyon.