Ni: Nora Calderon
ILANG araw nang pinag-uusapan ang mga paninirang ginagawa ng bashers laban kay Alden Richards. Matindi ang accusations nila ng sexual harassment kay Alden, dahil inaabuso raw ni Alden si Maine Mendoza at tinatawagan pa nila ang MTRCB na panoorin ang Eat Bulaga dahil doon daw madalas nangyayari ang sinasabi nilang pang-aabuso kay Maine.
Marami ang nagtanggol kay Alden na kapwa writers namin, dahil kilala nila kung sino talaga si Alden Richards. Kami, simula pa nang pumasok sa GMA Network kilala na namin si Alden at hindi makukuwestiyon kabaitan, pagiging gentleman at hindi siya mareklamo sa kanyang trabaho.
Marami ang naghihintay na sumagot daw si Alden at ipagtanggol ang sarili. Pero hindi niya bibigyan ng pagkakataon ang bashers na magsalita siya. Ito lamang ang sinabi niya:
“Hindi ko na po pinapansin iyan. Kung baga, nasanay na rin ako, kami ni Maine, na huwag nang pag-ukulan iyan ng oras namin. Simula pa lamang po ay marami na silang sinasabi laban sa amin. Ako po, I have so much na in my hands para isipin pa ang mga bagay on the sides na mga issues na palagay ko ay gawa-gawa lamang, na napabayaan kaya pinaniwalaan. Wala po akong balak saguting whatsoever. Alam po ng mga tao sa paligid ko kung ano ang totoo at it’s up to their discernment na kung ano ang kanilang paniniwalaan.”
Galit sa bashers ang fans, dahil nakikita naman nila kung paano pangalagaan ni Alden si Maine, kahit siya ang masaktan, lalo na kung nasa sugod-bahay sila ng “Juan For All All For Juan” sa Eat Bulaga. Worried nga sila kapag wala si Alden lalo na kung napakaraming tao sa barangay, na kung minsan, hindi makaya ng mga Rogelio ng show.
Samantala, pagkatapos ng concert nina Sarah Geronimo at Alden sa Mall of Asia sa September 1, paalis naman siya on Saturday, September 2, for Paris dahil isa siya sa groomsmen ni Dr. Hayden Kho sa wedding nito kay Dra. Vicki Belo sa September 4 (September 3 dito sa atin). Babalik din siya agad kaya narito na si Alden sa September 5.