Ni NORA CALDERON

TULUY-TULOY na, bukod sa pagiging movie and TV actor, recording artist, ang pagiging businessman ni Alden Richards.

May tatlo nang branches ang kanyang Concha’s Garden Cafe, sa Tagaytay, sa Quezon City at sa Silang, Cavite.

ALDEN copy

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Noong Thursday evening, nai-post sa Instagram na “@conchasgardencafe is franchising soon!!!” Nagkapirmahan na si Alden at ang manager ng restaurant na si Gemma Sembrano sa Francorp, The Franchising Leader. Ibig sabihin, ang mga interesadong mag-franchise ng Concha’s Garden Cafe ay puwede nang makipag-usap sa Francorp. Sa aming pagkakaintindi, ang Concha’s Garden Cafe ang magbibigay ng menu at kung ano ang concept nila tungkol sa restaurant, ang franchisee na ang magma-manage at susunod sila sa rules ng restaurant.

Samantala, sunud-sunod pa rin ang trabaho ni Alden. Noong isang araw ay nag-taping siya ng Daig Ka Ng Lola Ko hosted ni Ms. Gloria Romero at may airing date sa September 10, mapapanood pagkatapos ng All-Star Videoke.

Nag-taping na rin si Alden as the first guest ng “All-Star Videoke” as the star judge kasama si Jerald Napoles.

Natapos na rin ni Alden ang Alaala, isang documentary produced by GMA News & Public Affairs para sa nalalapit na 45th year ng Martial Law na ipalalabas sa SNBO ng GMA Network sa September 17, pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho.

Nakasama ni Alden dito sina Ms. Gina Alajar, Bianca Umali at Rocco Nacino, sa direksiyon ni Adolf Alix Jr.