Ni: PNA

KUALA LUMPUR – Nabokya ng Philippines ang Malaysia, 2-0, nitong Lunes para makausad sa championship round ng 29th Southeast Asian Games men’s team squash competition dito.

Ginapi ni Robert Andrew Garcia si Ng Eain Yow, 11-8, 11-3, 11-7 sa first match, habang naghabol nang todo si Juan Rafael Yan kontra Darren Rahul Pragasam, 6-11, 11-8, 11-7, 4-11,11-8, sa semifinal match sa National Squash Centre in Bukit Jalil.

Makakaharap ng Team Philippines ang Singapore sa championship match sa Martes ng hapon.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Umusad ang Singapore kontra Indonesia, 2-0.

Nanaig si Benedict Chan Jia Wei kontra Ade Furkon, 11-5, 11-6, 8-11, 11-8, habang kumabig si Pang Ka Hoe kay Eris Setiawan, 11-3, 11-6, 11-6.

Sa women’s division, nabigo ang Philippines sa Singapore, 1-2, para malaglag sa bronze medal.

Nanalo si Jemyca Aribado kay Sneha Sivakumar, 11-9, 11-8, 11-8, ngunit nabigo si Isabella Gotuaco kay Chua Ying Li Pamela, 3-11, 8-11, 3-11, gayundin si Yvonne Alyssa Dalida kay Au Yeong Wai Yhann, 2-11, 8-11, 6-11.