Ni: Bella Gamotea

Matinding trapiko ang asahan ng mga motorista sa ilang lugar sa Metro Manila dahil sa road projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sinimulan ng DPWH nitong Biyernes ng gabi ang pagkukumpuni at road reblocking at inaasahang matatapos bandang 5:00 ng umaga bukas, Agosto 28.

Apektado ng road projects ang northbound EDSA bago mag-North Avenue (2nd lane), Mindanao Avenue bago mag-Sauyo Road (2nd lane), C.P. Garcia Avenue mula Ginhawa hanggang Katipunan (4th lane), at McArthur Highway, malapit sa Monumento Circle sa Caloocan City.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kukumpunihin din ang southbound ng A. Bonifacio Avenue (2nd lane), E. Rodriguez Jr. bago mag-Green Meadows (truck lane) sa Quezon City, at C-5 Road malapit sa Julia Vargas sa Pasig.