Ni: Jun Fabon

Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang local drug group leader, tauhan nito at isa pa, sa buy-bust operation sa Tuguegarao City, Cagayan, nitong Biyernes.

Kinilala ni PDEA chief Isidro S. Lapeña ang mga suspek na sina Harold Rey Dumlao y Bayot, 39, leader/financier ng Annad Drug Group; Dan Dan Barsabal, 21, at isang 17-anyos.

Nakakumpiska ang pulisya ng tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu na may 0.10 gramo bawat isa at nagkakahalaga ng P2,000, drug paraphernalia, marked money, isang .45 caliber pistol, isang granada, at mga bala.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development ang menor de edad.