Ni Edwin Rollon

Training program ni Tabal at 29 iba pa, garantisado ng PSC.

SOUTHEAST Asian Games ngayon. Kasunod ang Asian Games, tuloy-tuloy sa 2020 Tokyo Olympics.

Seryoso at determinado, ito ang landas na handang tahakin ni marathoner Mary Joy Tabal para sa katuparan ng pangarap at hangaring maibigay sa sambayanan ang matagal nang inaasam – ang Olympic gold medal.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

mary joy 4 copy

“Even before the SEA Games, ginawa na po namin ni coach Philip (Duenas) yung programa para makapaghanda sa Asian Games and qualify for the 2020 Tokyo Games,” pahayag ng Cebuana pride, nagbigay ng unang gintong medalya sa Team Philippines sa kasalukuyang biennial meet.

“Uwi po muna ako sa amin, then after a week, we will present our program to Patafa for their approval. By the first week of October, balik na po ako sa Italy for training and hopefully for a series of competition,” sambit ng mayuming ipinagmamalaking anak ng barangay Guba.

Mahigit dalawang buwang namalagi ang 28-anyos na si Tabal sa Italy bago ang SEA Games kung saan nagsanay siya sa pangangasiwan nina Olympic marathon legend Akiro Ozami at pamosong Italian mentor na si Giusseppe Giambrone.

“Target namin ang 2020 Olympics. We need certain competitions to qualify,” aniya.

Anuman ang maging kasagutan ng Patafa, sa pamumuno ni Popoy Juico, sa ilalatag na programa ni Tabal, handa ang Philippine Sports Commission na maglaan ng karagdagang tulong pinansiyal sa Rio Olympian.

Matatandaang hindi kabilang si Tabal sa orihinal na line-up sa SEA Games nang magkaroon ng hidwaan sa pagitan ng Patafa bunsod nang pagtangi ng asosasyon na payagan si Tabal sa kanyang pagsasanay sa Cebu sa pangangasiwa ni Duenas.

Nabalik lamang si Tabal nang mapagpakumbaba itong tumalima sa nais ng Patafa.

“After the SEA Games, we will reviewed the performance of all the national sports association (NSA). Yung mga walang maipapakitang resulta sa amin, kailangan nilang magpaliwanag dahil tax payers money ang ginamit nila for training, allowances and international exposures prior to the SEA Games,” pahayag ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

“But,definitely, we will focus on 30 athletes na may malaking tsansa na maka-qualify sa Olympics. Itong grupo na ito, kasama na si MJ (Tabal) ay talagang gagastusan natin hanggang sa 2020 Tokyo Games. Kung hindi pa rin makalusot nandyan pa naman ang 2024 Games sa Paris,” sambit ni Ramirez.

Sa kasalukuyan, tinutustusan ng MotorAce Philippines ni Junnel Borromeo at ilang private sponsors ang gastusin sa pagsasanay ni Tabal.

“Dapat ang ating mga NSA ay matutong kumuha ng sariling ‘Godfather’ para makatulong sa kanila. Look what happened to Mary Joy? Kami sa PSC is ready to help her and this is not a promise, this is our commitment,” pahayag ni Ramirez.

Nakalulungkot mang isipin, sinabi ni Ramirez na kailangang ireporma ang mga national sports association (NSA).

“For the record, the government spent P300 million for the training, equipment at international exposures ng mga NSA.

Pera ito ng taong-bayan kaya hindi natin masisisi an gating mga kababayan na maghanap ng resulta.”

“Sixth place? Katanggap-tangap ba ito?. We need change”, aniya.

Inamin ni Tabal na dugo’t pawis ang puhunan niya para matupad ang pangarap at nanawagan siya sa mga kabataan at tulad niyang atleta na magpakatatag sa harap ng mga pagsubok at magtiwala sa kakayahan.

“I faced a lot of challenges, but I am here. Thanks to all those who stayed by my side and helped me reach for my goals, dumami ang tatay ko” pahayag ni Tabal.

“This gold gave me confidence, yes, but I am open to learning more. I still have a lot to learn.”

“Don’t just dream, make it happen.” She cited her height of 4’11’, her humble beginnings in Barangay Guba, Cebu and the challenges she faced as an athlete to highlight her point that “perseverance and dedication will help you reach your dreams. You just have to put your heart into it. “

Para kay Duenas, sinabi ni Philippine Sports Institute (PSI) National Director Marc Velasco na kinuha nila ang serbisyo nito para mangasiwa sa pagsasanay ng mga batang atleta sa Visayas.

international exposures ng mga NSA. Pera ito ng taong-bayan kaya hindi natin masisisi ang ating mga kababayan na maghanap ng resulta.”

“Sixth place? Katanggap-tangap ba ito?. We need change”, aniya.

Inamin ni Tabal na dugo’t pawis ang puhunan niya para matupad ang pangarap at nanawagan siya sa mga kabataan at tulad niyang atleta na magpakatatag sa harap ng mga pagsubok at magtiwala sa kakayahan.

“I faced a lot of challenges, but I am here. Thanks to all those who stayed by my side and helped me reach for my goals, dumami ang tatay ko” pahayag ni Tabal.

“This gold gave me confidence, yes, but I am open to learning more. I still have a lot to learn.”

“Don’t just dream, make it happen.” ayon sa 4’11 na si Tabal

Para kay Duenas, sinabi ni Philippine Sports Institute (PSI) National Director Marc Velasco na kinuha nila ang serbisyo nito para mangasiwa sa pagsasanay ng mga batang atleta sa Visayas.