LAS VEGAS (AP) — Magaan ng bahagya si Floyd Mayweather sa bigaat na 149 1/2 pounds para sa kanyang pagsagupa kay UFC champion Conor McGregor Sabado ng gabi (Linggo sa Manila) sa T-Mobile Arena dito.

May bigat naman na 153 pounds si McGregor na pasok pa rin sa weight limit para sa kanilang 154-pound non-title fight na maraming nagsabing hindi magaganap sa kanilang henerasyon.

Floyd Mayweather Jr., left, and Conor McGregor pose during weigh-ins Friday, Aug. 25, 2017, in Las Vegas for their Saturday boxing bout. (AP Photo/John Locher)
Floyd Mayweather Jr., left, and Conor McGregor pose during weigh-ins Friday, Aug. 25, 2017, in Las Vegas for their Saturday boxing bout. (AP Photo/John Locher)

Nagbunyi ang crowd, kabilang ang Irish fans na walang tigil sa pagwagayway ng kanilang bandila bilang pagsuporta kay McGregor sa isinagawang weigh-in nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

May alinlangan si Mayweather na hindi makakalusoit sa weight limit si McGregor, ngunit dumagundong sa hiyawan ang mga tagahanga nang makuha nito ang tamang timbang para sa kanilang duwelo – unang pagkakataon para sa MMA star sa Vegas.

“I’ll stomp my foot in the center of that ring, and I won’t go nowhere,” pahayag ni McGregor.

Tulad nang inaasahan, manipis ang pangangatawan ni Mayweather (49-0, 26 KOs), ngunit lutang ang kanyang bentahe sa taas at pangangatawan. Ngunit, ibinasura ni McGregor ang usapin.

“He looks blown out and out of shape,” sambit ni McGregor. “That’s the worst shape I’ve ever seen him in. I’ll stop him in the second round. Let’s see who can take it. I see a man afraid.”

Iginiit naman ni Mayweather na hindi ang pangangatawan ang kanyang bentahe kung hinsi ang bilis na aniya’y taglay pa rin niya sa edad na 40.

“Weight doesn’t win fights,” aniya. “Fighting wins fights.”

Isinantabi rin ni Mayweather ang pagiging anti-hero sa mata ng mga tagahanga.

“I’ve been here before,” pahayag ni Mayweather. “I know what it takes in a fight of this magnitude. He did a lot of (talking). I did a lot of this. Tomorrow, it comes down to the fighters.”

Taliwas naman ang pahayag ng promoter na matatalo ng duwelo sa takilya ang laban nina Mayweather at Manny Pacquiao.

Ayon kay Jesse Lawrence ng TicketIQ,may 10 porsiyento pa ng tiket na nagkakahalaga ng US$10,000 sa 20,000-seat arena ang hindi naibebenta.