Ni: Bella Gamotea

Itinanggi kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde ang paratang na binigyan ng “quota” ang mga pulis sa pagsasagawa ng mahigpit na kampanya kontra ilegal na droga.

Nilinaw ni Albayalde na walang quota na ibinibigay sa kanila sina Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa at Pangulong Duterte.

Ito ay kasunod ng pagkakapatay sa Grade 11 student na si Kian Delos Santos, 17, sa kasagsagan ng Oplan Galugad sa Caloocan City, at pagtimbuwang ng halos 80 drug suspect sa anti-drug operations sa Bulacan at Maynila noong nakaraang linggo.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sinabi ni Albayalde na nakatuon sila sa kampanya kontra ilegal na droga at binigyang-diin ang pahayag ni Pangulong Duterte na hindi nito kukunsintihin ang mga abusadong pulis.