Ni JIMI ESCALA

NANGHIHINAYANG ang isang magaling na aktres na ayaw magpabanggit ng pangalan kay Andi Eigenmann na dati niyang nakasama sa isang TV project. Sabi ng aktres, magaling umarte si Andi at talagang may ibubuga sa larangan ng drama.

Pero nagtataka siya kung bakit tila wala na itong proyekto ngayon.

ANDI copy

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Nakapanghinayang talaga ang batang ‘yan. Magaling umarte at maganda naman talaga, pero parang parang nawala na ang init ng career niya,” sey ng not-so-old but-not-so-young actress.

Kuwento pa niya, kamakailan lang ay nagkasalubong sila ni Andi at nagkumustahan. Ang napansin daw niya ay tila nawala na ang dating maamo at magandang aura ng anak ni Jaclyn Jose.

“Parang tinatamad na siyang mag-ayos sa sarili niya. Dati kasi nu’ng magkasama kami sa taping, eh, hindi lumalabas ‘yan sa dressing room niya na walang ayos. Kumbaga, very conscious siya noon sa hitsura niya. Ngayon, eh, parang okey lang sa kanya na makita siya ng lahat na walang kaayus-ayos,” kuwento pa ng mahusay na aktres.

Pero dagdag ng source, ipinagmalaki ni Andi sa kanya na masayang-masaya ito ngayon sa piling ng modelong boyfriend.

Binanggit din daw ni Andi na kahit may misunderstanding sila ng ex-boyfriend na si Jake Ejercito ay ipinadama naman nito ang pagiging ama sa anak nilang si Ellie.

“Kahit hindi kami nagkakasundo or kung anuman ‘yan, when it comes to Ellie alam kong mahal na mahal niya ang anak namin, so ‘yun lang ang importante sa akin. ‘Yung isyu sa aming dalawa, eh, I’m willing to set aside just for what’s the best for my daughter,” banggit pa raw ni Andi Eigenmann.