KUMPLETO na ang mga koponan na sasalang sa “Ganado Sa Buhay” 2017 Ginebra San Miguel 3-on-3 Basketball Tournament National Finals.

Nagwagi ang Team Helterbrand, binubuo nina Noriel Guerrero, Jonathan Ablao, Vijay Viloria, at Firmorico Francisco, sa Team Taha, 21-18, sa regional Finals.

Namayani naman ang Team Slaughter nina Jan Michael Auditor, Edrian Lao, Christian Floyd Taboada, at Randy Colinia, sa Team Tenorio, 21-12, para tampukan ang Brgy. Pasil sa Cebu City.

Hindi rin nagpahuli ang Team Tenorio nina Mikko Estrellante, Jed Edulan, Alvin Calatayud, at Reggie Rivera, kontra Team Caguioa, 16-12, sa Brgy Crossing Bayabas, Toril District sa Davao City, samantalang nagdiwang ang Team Taha nina Lemuel Bulanon, Vhal Valenciano, Nino Atamosa, at Sylvester Moreno, kontra Team Tenorio, 21-18, para makopo ang slots sa n Brgy. San Jose, Sitio Burayan, Tacloban City.

Magtutuos ang 16 regional champions sa September 1 sa SM Megamall Activity Center para sa knockout phase ng National Finals. Ang dalawang mangungunang koponan ay maghaharap sa September 3 para sa kampeonato bago ang Manila Clasico duel sa pagitan ng Barangay Ginebra San Miguel at Star Hot Shots sa Smart Araneta Coliseum.

Dating PBA player na sapilitang nanghalik ng babae sa bar, himas-rehas!