Ni NITZ MIRALLES

NAGPASALAMAT si Marjorie Barreto sa mga reporter na pati siya ay na-congratulate sa maayos at mahusay na pagsagot ng anak na si Julia Barretto sa Q&A ng presscon ng Star Cinema movie na Love You To The Stars and Back.

Natawa pa si Marjorie sa nag-comment na pang-beauty queen at pang-beauty pageant ang mga sagot ng anak.

JULIA copy copy

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Napansin din ng mga reporter na mapa-English at mapa-Tagalog, laging on point ang mga sagot ni Julia na sa pagka-eloquent, akala mo ni –rehearse.

Nagustuhan din ng reporters ang gesture ni Julia na kapag hindi ready ang ka-love team na si Joshua Garcia sa mga isasagot, siya na ang nagbo-volunteer na magsalita. Sa bilang namin, tatlong beses nag-dialogue si Julia na, “Puwedeng ako na lang ang sumagot?”

Nice gesture and support ang ipinakita ni Julia sa ka-love team at manliligaw. Pero ang feeling ng press people, nahirapan si Joshua na sagutin ang katanungan tungkol sa status ng relasyon nila dahil “sila na” at ayaw niyang magsinungaling. Nahihiya rin siya dahil naroon ang mommy ng dalaga.

Ano man ang dahilan, hindi maitatagong the JoshLia love team of Joshua and Julia make a lovely couple reel man o real.

Anyway, ito ang sagot ni Julia nang tanungin kung bakit mas tinanggap ng tao at mas pinaboran ang love team nila ni Joshua kesa naunang ipinareha sa kanya.

“Like what I’ve said earlier everything is destiny. Nagkataon na mas nagustuhan ng fans ang love team namin ni Joshua at ayaw kong i-compare ang love team namin sa iba.”

Sa August 30 na ang playdate ng Love You To The Stars and Back mula sa direction ni Antoinette Jadaone. May eksenang walang make-up at sabog ang buhok ni Julia, pero maganda pa rin siya . Tanong tuloy ng fans, “Nasaan ang hustisya?”