Ni: Niño N. Luces

CAMP GENERAL SIMEON OLA, Legazpi City – Isang dating konsehal sa bayan ng Donsol sa Sorsogon ang binaril at napatay ng mga hindi nakilalang suspek kahapon ng umaga.

Kinilala ni Senior Insp. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-5, ang nasawi na si Vicente Bonaobra y Basmayor, 65, dating konsehal ng Donsol at taga-Rizal Street, Barangay Central.

Ilang beses umanong binaril ang biktima ng nag-iisang suspek sa harap ng pag-aari nitong gasolinahan.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Ayon kay Calubaquib, kaagad na nasawi ang dating konsehal dahil sa mga natamo nitong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nag-iimbestiga na ang pulisya upang matukoy ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng suspek.