Ni: Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Tinatayang P2.02 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa tatlong drug peddler nang maaresto sa magkakahiwalay na anti-illegal drugs operation na ikinasa ng pulisya, nitong Martes.

Sa ulat ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police kay Senior Supt. Antonio C. Yarra, Nueva Ecija Police Provincial Office director, kinilala ang mga naaresto na sina Jerico de Guzman, 40, may asawa, ng Barangay Aduas Centro; Harold Harvey Cruz, 38, ng Bgy. Capt. Pepe Subdivision; at Jeric Dominguez, 25, binata, ng Bgy. Paliko 4, Imus, Cavite.

Nasakote ang mga suspek sa magkakahiwalay na operasyon ng Cabanatuan City Police-Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nahulihan si De Guzman ng 152 gramo ng hinihinalang shabu at paraphernalia; si Cruz ay nakuhanan ng 3.59 gramo; at si Dominguez ay nasamsaman ng 13.29 gramo ng umano’y shabu.