Ni: People

NAG-WALKOUT si Melanie “Mel B” Brown sa stage ng America’s Got Talent nitong Martes ng gabi nang magbitaw ng masamang biro ang kapwa hurado na si Simon Cowell tungkol sa kanyang wedding night.

Melanie copy

Nangyari ang insidente sa kalagitnaan ng divorce ng dating Spice Girl mula sa kanyang kakaibang asawa na si Stephen Belafonte.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagbulalas ng masama at wala sa oras na biro si Cowell, 57, nang magkaroon ng ng technical malfunction ang isang magician habang nagtatanghal.

“I kind of imagine this would be like Mel B’s wedding night,” lahad ni Cowell. “A lot of anticipation, not much promise or delivery.”

Hindi nagustuhan ni Melanie ang komento ni Cowell at binuhusan ng isang baso ng tubig ang hurado bago nag-walkout sa studio habang umeere.

“Mel B is out,” saad ng host na si Tyra Banks. “This is live TV, y’all. Live TV.”

Kinumpirma ng People nitong Hulyo na inatasan ni Brown si Belafonte na magbigay ng $40,000 kada buwan bilang temporary spousal support.

Nagsampa ng divorce ang singer noong Marso pagkatapos ng halos sampung taong pagsasama at humingi ng joint legal at physical custody sa kanilang limang taong gulang na anak na si Madison.