NI: Mina Navarro at Fer Taboy

Para sa ikabubuti ng lahat ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang naging reaksiyon ni outgoing Customs Commissioner Nicanor Faeldon ilang minuto matapos ihayag ng Pangulo na ang hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si Director Isidro Lapeña ang hahalili sa kanyang puwesto.

Si Police Regional Office (PRO)-3 Director Supt. Aaron Aquino naman ang bagong PDEA chief.

Probinsya

Bangkay ng isang lalaki natagpuang lumulutang sa ilog

“My continuous stay in the Bureau of Customs is politically polarizing the country, so the decision of the President is for the best. I will continue to serve our country and the welfare of the Filipino people,” pahayag ni Faeldon sa kanyang Facebook account.

“I have served you to the best of my ability and I have not done any act of corruption in my entire government service. Maraming salamat po sa inyong tulong sa ating bansa,” dagdag pa ni Faeldon.

“I thank you everyone who has supported the Bureau of Customs during my stay and I appeal to the BoC employees and to the public to support the new commissioner. Thank you very much,” ani Faeldon.

Sinabi kamakailan ni Pangulong Duterte na tatlong beses nang humiling si Faeldon na alisin ito sa puwesto kasunod ng pagkakasangkot sa kontrobersiyal na pagkakapuslit ng P6.4-bilyon shabu shipment sa BoC mula sa China.