NI: Mary Ann Santiago

Pansamantalang itinigil ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-iimprenta ng mga balota na gagamitin para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 23.

Kinumpirma ito ni Atty. Genevieve Guevarra, pinuno ng Printing Committee ng Comelec. “Nung last week po nag-stop (ang ballot printing) kasi may inaayos pa po kami sa balota,” aniya.

Nilinaw ni Guevarra na walang kinalaman dito ang pag-apruba ng Kamara sa panukalang ipagpaliban ang halalan, dahil kailangan pa rin nilang hintayin ang desisyon ng Senado hinggil sa panukala.

Tsika at Intriga

Aagawan pa ng moment si Jesus? Denise Julia, 'reresbak' daw sa araw ng Pasko

Tiniyak niya na kahit natigil ang ballot printing ay hindi sila kakapusin ng oras sa pag-iimprenta at may itinakda silang deadline para rito.