Ni: Samuel P. Medenilla

Mahigit 8,500 trabaho ang naghihintay sa mga aplikante sa official job search website ng Department of Labor and Employment (DoLE), ang PhilJobNet.

Sa statement, ipinahayag ng Bureau of Local Employment (BLE) ng DoLE na 2,014 na accredited employer ang nag-post ng kabuuang 8,588 bakanteng trabaho sa PhilJobNet nitong nakaraang linggo.

Mahigit sa kalahati o 4,487 ang posisyon para sa mga call center agent.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kabilang sa mga kategorya ang listahan ng Top 20 Job Vacancies ng PhilJobNet: staff nurse (545), specialized nurse (400), line installer (400), customer service assistant (321), food server (300), cashier (281), waitress (250), sales clerk (215), at stall salesperson (200).

Pasok din sa listahan ang private housekeeper (170), building construction engineer (140), accounting staff (133), bagger (120), financial/accounts specialist (111), domestic helper (110), food attendant (105), sales manager (100), secondary technical education teacher (100), at building caretaker (100).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, maaaring mag-apply sa mga bakanteng trabahong nabanggit sa website ng PhilJobNet: http://philjobnet.gov.ph/global-search.