MAS pinalawak ng ONE Championship ang promosyon sa China sa ilalargang fight card sa 14,000-capacity Shanghai Oriental Sports Center sa Setyembre 2.
Tampok ang pinakamahuhusay na mixed martial arts fighter sa isa sa progresibong lungsod sa Mainland para sa ONE FC:
Shanghai.
“There is always a tremendous atmosphere and excitement when ONE Championship visits China, and it is a delight to finally announce our maiden event in the beautiful city of Shanghai. We are coming at you live and ready to showcase the world’s most authentic display of martial arts,” pahayag ni ONE Championship Chairman and CEO Chatri Sityodtong.
Bilang tampok na duwelo, itataya ni Ben “Funky” Askren ng United States ang ONE Welterweight World Championship kontra Zebaztian “The Bandit” Kadestam ng Sweden.
Isa sa pambatong fighter ng promosyon, ang 33-anyos na si Askren mula sa Phoenix, Arizona ay may tangan na 16-0 marka, tampok ang limang panalo via submission at apat na knockout.
Pamoso ring wrestler si Askren na tinanghal na NCAA Division I national champion at bahagio ng US team na sumabak sa 2008 Beijing Olympics.
Galing si Askren sa impresibong first-round submission triumph kontra Malaysian Agilan “The Alligator” Thani nitong Mayo.
Tangan naman ni Kadestam ang professional record na 9-3. Pamoso ang 26-anyos mula sa Stockholm, Sweden sa kanyang strike na ginamit niya para gapiin ang beteranong si Luis Santos sa welterweight class.
“We have an exhilarating main event prepared for our fans in Shanghai as Ben Askren makes another defense of his ONE Welterweight World Championship against Swedish standout Zebaztian Kadestam. The interesting clash of styles should provide fans a solid matchup,” sambit ni Sityodtong.
Kabilang din sa fight card sina ONE Featherweight World Champion Narantungalag Jadambaa kontra Japanese veteran Tatsuya Yamada; haharapin ni Singaporean lightweight prospect Amir Khan si Prague-based martial arts star Jaroslav Jartim ng Czech Republic.