Ni: Bella Gamotea

Balik normal na kahapon ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 matapos ang isang araw na limitadong biyahe nang masunog ang junction box sa ibabaw ng catenary wire sa bahagi ng Pureza Station sa Sta. Mesa kamakalawa.

Sa abiso ng pamunuan ng LRT Authority, nagsimula ang full operations ng LRT 2 dakong 4:30 ng madaling araw.

Nagsagawa ang engineering team ng masusing inspeksiyon at pagsusuri sa lahat ng pasilidad at kagamitan sa LRT upang maiwasang maulit ang insidente.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter