Ni: Bella Gamotea

Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V, ngayong Martes.

Sa pahayag ni Julius Segovia ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng umaga ngayong Martes, Agosto 22, ay tataas ng 20 sentimos ang kada litro ng gasolina, kasabay ng 15 sentimos na tapyas sa kerosene at sampung sentimos naman sa diesel.

Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya ng langis sa kahalintulad na dagdag-bawas sa petrolyo, na bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Kasunod ng pagbabanta kay PBBM: Solon hinamon si VP Sara, sumipot muna sa hearing

Agosto 15 nang nagtaas ng 45 sentimos sa gasolina ang mga kumpanya ng langis, habang 10 sentimos naman ang rollback sa diesel at kerosene.