MASARAP kausap si Mariel de Leon, ang reigning Bb. Pilipinas-International na na-interview namin sa opening ng flagship at biggest store ng Pizza Hut sa SM Mall of Asia.

Mariel copy copy

Present si Mariel bilang ambassador ng pizza chain at si Rachel Peters, ang Bb. Pilipinas-Universe na siyang celebrity endorser.

Napansin naming hindi masyadong kumain si Mariel at inisip na lang na parte ‘yun ng paghahanda sa Miss International sa November. Nagwu-workout daw siya at pinag-aaralan ang Japanese culture dahil alam na very proud ang Japanese sa kanilang culture.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

Artista na rin si Mariel dahil siya ang leading lady ni Coco Martin sa Ang Panday na entry sa Metro Manila Film Festival. Tinanggap niya at ng Bb. Charities ang offer dahil wala namang conflict sa paghahanda niya.

“Coco is super fun and I’m having a lot of fun sa shooting. No conflict dahil weekend lang ako nagsu-shooting. Sabi, he saw me when I guested in Magandang Buhay and he follows me sa Instagram,” kuwento ni Mariel sa pagkakapili sa kanya bilang leading lady ni Coco.