Ni REY BANCOD

Double gold kina Nikko at Kim; 1-2 finish sa Pinoy triathles sa SEAG.

KUALA LUMPUR – Sa ikalawang araw ng labanan, hindi nagpadaig ang Pinoy at sa ikalawang sunod na edisyon, nakamit ng triathlon ang double gold sa impresibong 1-2 finish ng Team Philippines sa 29thSoutheast Asian Games.

Kim Mangrobang of the Philippines won the gold medals in women's triathlon of the 29th Souteast Asian GAmes in Kual Lumpur, Malaysia. Photo by Ali Vicoy/Canon EOS 1DX Mark II w/ 300mm lens.
Kim Mangrobang of the Philippines won the gold medals in women's triathlon of the 29th Souteast Asian GAmes in Kual Lumpur, Malaysia. Photo by Ali Vicoy/Canon EOS 1DX Mark II w/ 300mm lens.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Naidepensa ni Nikko Huelgas ang titulo sa men’s division, habang nabawian ni Kim Mangrobang ang kababayang si Ma. Claire Adorna para sa mas matikas na kampanya ng triathlon sa sports na nadomina rin nila sa Singapore may dalawang traon na ang nakalilipas.

Tinapos ni Huelgas, 26, ang karera sa loob ng isang oras, 59 minuto at 21 segundo sa dominanteng panalo at tanghaling back-to-back champion sa torneo. Nakamit ng kababayang si John Cinco ang silver medal, mahigit isang minuto ang agwat kay Huelgas.

“I’m overwhelmed with this sweep,” pahayag ni Huelgas, napaluhod sa kanyang pagtawid sa finish line bago itinaas ang kanang kamay hudyat nang tagumpay ng Pinoy at ganti sa maayang pagbubunyi ng mga kababayan.

Matapos ang swimming event sa man-made Putrajaya Lake, kaagad na umabante si Huelgas sa maliit na grupo ng lead pack sa bike leg. Sa pagsisimula ng 10-kilometer footrace, wala nang nagtangkang dumikit sa Pinoy.

Maliban kay Chicano na humarurot sa huling parte ng karera para marating ang finish line sa tyempong 2:01:26.

Tulad ng kanilang duwelo sa 2015, dikdikan ang laban nina Mangrobang at Adorna. Sa huli, mas nanaig ang silver medal winner sa Singapore edition.

Nailista ni Mangrobang ang bilis na 2:11:14. Nakabuntot si Adorna sa 2:18:58.

Ayon kay Mangrobang, magkasabay sila ni Adorna sa swimming hanggang bike leg, ngunit nagawa niyang makalayo sa running stage.

Sumungkit din ang Team Philippines ng isang silver sa fencing at wushu at tatlong bronze para sa kabuuang 3 ginto, 6 na silkver at 6 na bronze na hakot sa team standings.

Nabigo si Samantha Kyle Catantan sa karibal na Singaporean sa final ng women’s individual foil, habang nag-bronze ang teammate na si Maxine Esteban.

Nakasikwat ng isa pang silver ang wushu mula kay Agatha Chrystenzen Wong sa women’s optional taijijian. May dalawang bronze mdeal naman sa archery.

Sa men’s team event, naunguna nina Florante Matan, Luis Gabriel Moreno at Mark Javier ang Indonesia’s Hendra Purnama, Muhammad Hanif Wijaya at Riau Ega Agata Salsabilla, 5-3, sa first round.

Subalit, hindi sila nakaporma sa semifinals kontra kina Haziq Kamaruddin, Khairul Anuar Mohamad and Muhammad Akmal Nor Hasrin ng Malaysia, 6-0. Sa labanan sa brone binokya ng Pinoy ang Vietnam nina Chu Duc Anh, Hoang Van and Van Duy Nguyen, 6-0.

Sa women’s play, ginapi ng Philippines ang Vietnam.

Nanaig sina Nicole Marie Tagle, Kareel Meer Hongitan at Mary Queen Ybanez kontra kina Le Thi Thu Hien, Loc Thi Dao at Thi Phuong Nguyen, 6-0.

Sa sepak takraw, umarya ang women’s regu team nina Kristel Carloman, Lhaina Mangubat, Mary ann Lopez, Rizalyn Amolacion at Jean Marie Sumalit para sa bronze.

Sa bowling, panglima sina Jomar Jumapao at Kevin Oliver Cu (2485) sa men’s double na pinagwagihan nina Alex Liew at Syafiq Ridhwan ng Malaysia.