WEST DES MOINES, Iowa (AP) — Sinimulan ni Lexi Thompson ang impresibong ratsada sa huling apat na hole at kaagad na tumalima ang mga kasangga para sandigan ang Team America laban sa Europe sa Solheim Cup.

“I was just, like, ‘I just have to go all in and go for it all,” pahayag ni Thompson.

Sa kanyang panalo, sumunod ang mga kasangga tungo sa Europe 16 ½ laban sa 11 ½ panalo nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa Des Moines Golf and Country Club.

Naitala nila Cristie Kerr at Paula Creamer ang krusyal na laro, habang naselyuhan ni Gerina Piller ang panalo ng Americans nang gapiin si Florentyna Parker, 4-and-2.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

“They just bonded. They believed in each other. They played for the person behind them and in front of them. And they played some amazing golf,” sambit ni Juli Inkster, napantayan ang marka ni Judy Rankin bilang tanging US captain na nagwagi ng dalawang ulit sa Solheim Cup.

Tangan ng Americans ang 10-5 sa biennial tournament at nakopo ang pinakamalaking bentahe mula nang maitala ang 17-11 panalop noong 1996 sa Wales. Naitala nila ang come-from-behind win noong 2015 sa Germany.

“We just got outplayed, no doubt about it,” sambit ni European captain Annika Sorenstam. “I’m just so proud of how hard they fought. What can I say? Just congratulate the USA because they played some awesome golf.”