ni Rey Bancod

KUALA LUMPUR – Kumpiyansa si Allison Beebe, coach ni Rio Olympic gold medalist Simone Manuel ng United States, na malaki ang potensyal ni Filipino-American Nicole Oliva na maging isang Olympics champion sa hinaharap.

“Her love for the sport will carry her to her dreams,” pahayag ni Beebe, gagabay kay Oliva sa pagsabak sa swimming competition sa 29th Southeast Asian Games.

Kasalukuyang second year high school ang 15-anyos na si Oliva sa St. Francis High School sa Mountain View, California.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang kanyang mga magulang ay pawang ipinanganak at lumaki sa Pilipinas.

Tatlong taon nang kumakatok sa pintuan ng Team Philippines si Oliva, ngunit ngayon lam ang siya naisama ng pamunuan sa swimming.

Nakalusot si Oliva sa ginanap na national tryouts at nakatakdang sumabak sa pitong individual event at tatlong relay.

Mas naging mabilis ang kanyang tyempo sa 400-meter freestyle mula nang sumailalim sa pagsasanay kay Beebe.

“She’s a smart swimmer, the smartest among the 15-year-old that I handle,” sambit ni Beebe.

“I don’t care if the other swimmers do cart wheels as long as Nicole does what she’s trained to do,” ayon kay Beebe, isang ASCA Level 5 coach at miyembro ng coaching staff ng Santa Clara Swim Club.

Nagsimulang magsanay si Manuel kay Beebe noong ito’y 11-anyos pa lamang. Matapos ang pitong taong pagsasanay, tinanghal si Manuel na unang African-American na nagwagi ng individual gold medal sa US swimming.