NI: Rommel P. Tabbad

Pinayagan kahapon ng Sandiganbayan ang mosyon ni dating Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na makalabas ng kanyang kulungan para sa kanyang dental check up sa Makati City.

Pinahintulutan ng korte si Revilla na makapunta sa Gan Advanced Osseointegration Center sa Greenbelt Center sa Biyernes, Agosto 25 para sa routine dental check-up at restoration ng mga sirang ngipin ng dating senador.

Matatandaang pinayagan din ng anti-graft court si Revilla na mabisita ang dentista niya sa anim na magkakahiwalay na araw noong Marso at noong Abril.

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

Nakakulong pa rin si Revilla sa kasong plunder at graft kaugnay ng pagkakasangkot umano sa pork barrel scam.