Ni: Beth Camia

Wala pang pormal na aplikasyon para ilagay ang pribadong customs broker na si Mark Taguba sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP).

Si Taguba ang nagproseso at naghanap ng importer o consignee para mailabas sa Bureau of Customs ang P6.4 bilyon shabu shipment mula sa China.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, posibleng gawing state witness si Taguba kung lalabas na hindi siya ang “most guilty” sa krimen.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser