SEOUL (AFP) – Hindi magkakaroon ng giyera sa Korean peninsula, tiniyak ni South Korean President Moon Jae-In kahapon.

‘’I will prevent war at all cost,’’ sabi ni Moon sa press conference na nagmamarka ng kanyang unang 100 araw sa puwesto. ‘’So I want all South Koreans to believe with confidence that there will be no war.’’

Naging mainit ang hamunan ng North at US nitong mga nakalipas na linggo – nagbanta si North Korean leader Kim Jong Un na patatamaan ng missile ang US territory ng Guam -- ngunit hindi ito itinuloy. Nangako naman si US President Donald Trump ng ‘’fire and fury’’ at sinabing ‘’locked and loaded’’ na ang mga armas ng Washington.

Ngunit nilinaw ni Moon na may kapangyarihan ang Seoul na ibasura ang aksiyong militar ng US. ‘’No one can make a decision on military action on the Korean peninsula without our agreement,’’ aniya.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Sinabi ni Moon na magpapadala siya ng special envoy sa North Korea para mapag-usapan ang pagtigil ng missile at nuclear tests ng Pyongyang. ‘’North Korea must at least end additional provocations to create the mood for dialogue,’’ aniya.