Ni: Jun N. Aguirre

ALTAVAS, Aklan – Kinasuhan ang isang barangay kagawad kasama ang walong iba pa matapos silang makuhanan ng baril sa checkpoint sa Barangay Rizal Norte sa Tapaz, Capiz.

Kinilala ng Altavas Police ang kagawad na si Rolly Asiong, na nagmamay-ari ng isang .45 caliber pistol. Arestado rin ang kasama ni Asiong na si Norlito Dimas, na may dalang homemade shotgun.

Ayon sa pulisya, galing ang mga suspek sa lamay sa Libacao at napadaan sa checkpoint hanggang makumpiskahan ng dalawang baril.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Kinasuhan na ng obstruction of justice ang pito pang kasamahan matapos itangging kilala ang dalawang armado.