Ni: Nitz Miralles

KINANTIYAWAN namin si Janice de Belen nang makita namin sa presscon ng My Korean Jagiya dahil noong ma-interview namin sa Magpakailanman, hindi naniwalang magkasintahan ang Korean stars na sina Song Joong-ki at Song Hye Kyo at nakita pa nga sa Bali, Indonesia.

Janice de Belen 4 copy

Ayaw maniwala ni Janice na super fans ni Song Joong-ki at nagbiro pang maglulupasay ‘pag totoong magsiyota ang dalawa. Eh, in-announce ang October wedding ng Song couple, kaya nang makita si Janice sa presscon, nakantiyawan namin na ang nasabi na lang ay, ‘Oo na, tama ka.”

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Bagay na bagay mapasama sa cast ng My Korean Jagiya si Janice dahil certified addict din siya sa Korean dramas, Korean stars, pati yata Korean singers at ‘yung tinatawag na K-Pop. Basta, anything Korean, love and like niya. Kaya nang i-offer ang project, hindi na tinagalan ang pakikipag-usap sa GMA-7 at tinanggap nila ng manager na si Popoy Caritativo ang project.

Ginagampanan ni Janice ng role ni Aida Asuncion, ang balong tiyahin ni Gia (Heart Evangelista) na kinukunsinti ang pagkaadik ng pamangkin sa Korean dramas at Korean stars. Sobra siyang nakaka-relate sa mga karakter nina Gia at Aida at hindi na niya kailangang iarte pa.

Masaya ang rom-com series sa direksiyon ni Mark Reyes na magsisimula na ang airing sa Monday. Magugustuhan ang rom-com series ng mga Pinoy na sobra ring adik sa Korean dramas, K-Pop at basta may kinalaman sa Korea. Sila na kung tawagin ay “kinain na ng sistema.”