Ni: Leandro Alborote

CONCEPCION, Tarlac - Maagang kinuha ni Kamatayan ang isang tatlong gulang na lalaki makaraang malunod sa irrigation canal ng Barangay Malupa sa Concepcion, Tarlac, kahapon ng umaga.

Kinilala ni PO1 Emil Sy ang nalunod na si Roniel Jade Antonio, ng Bgy. Sta. Maria, Concepcion.

Ayon sa report, dakong 7:00 ng umaga at katatapos lamang mag-almusal ng bata nang naglaro ito sa gilid ng irigasyon hanggang maisipang maligo, pero nalunod.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay