Ni: Jun Fabon

Humantong sa kamatayan ang umano’y panlalaban ng sinasabing tulak ng shabu makaraang makipagbarilan sa buy-bust operation ng mga pulis sa Barangay Libis, Quezon City, iniulat kahapon ng Quezon City Police District (QCPD).

Base sa report ni QCPD-Station 12 commander, Supt. Wilson Delos Santos, kinilala ang napatay na si Dennis Carpio, 22, ng Sapang Bato, Bgy. Libis.

May tama rin ng bala sa kaliwang binti si PO2 Ryan Yangao at nagpapagaling ngayon sa Quirino Memorial Medical Center.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sa inisyal na ulat ni SPO2 Julius Cornejo, dakong 10:00 ng gabi nitong Linggo nang mangyari ang madugong buy-bust sa Sapang Bato sa Libis.

Sa gitna ng buy-bust operation, nagduda umano si Carpio sa katransaksiyon na poseur buyer hanggang nagkapalitan ng putok na ikinasawi ng suspek at ni PO2 Yangao.