Caroline Wozniacki (Nathan Denette/The Canadian Press via AP)
Caroline Wozniacki (Nathan Denette/The Canadian Press via AP)

TORONTO (AP) — Hindi man lang pinagpawisan ni Caroline Wozniacki laban kay Sloane Stephens, 6-2, 6-3, para makausad sa Finals ng Rogers Cup nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Umabot lamang ng 83 minuto ang laro sa Aviva Centre.

"I think I was moving very well and retrieving and just trying to stay aggressive when I could," pahayag ni Wozniacki. "But it was a difficult match. And I think it was closer than what the scoreline showed."

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Makakaharap ni Wozniacki, ang No. 6 seed mula sa Denmark, ang magwawagi sa laban nina defending champion at second seed Simona Halep ng Romania at fifth-seeded Elina Svitolina ng Ukraine sa Linggo (Lunes sa Manila).

Sumabak si Wozniacki sa semifinals match matapos ang mahigit limang oras na duwelo kay top-ranked Karolina Pliskova sa quarterfinals nitong Biyernes.

Tangan ni Wozniacki, dating world No. 1, ang 25 career titles kabilang ang Rogers Cup noong 2010.

"I don't really think too much about others when I'm out there on court, I just think about myself and what I need to do," sambit ni Wozniacki.

"And every time I step out on the court, I believe I can win.That's really the way I think."

Naghihintay ang $501,975 mula sa kabuuang $2.74-million purse para sa kampeon.