Ni REGGEE BONOAN

NASA taping ng kanyang bagong teleserye si Julia Montes nitong Sabado at maraming nagulat sa post niya sa Instagram na, “I was quiet, but I was not blind. --Jane Austen.”

Dinugtungan niya ito ng, “Thank you, Lord for today’s taping such a blessing. Maraming salamat po, Lord sa paggabay sa akin.”

Julia copy

Human-Interest

ALAMIN: Pinoy mountaineer na nasawi sa Mt. Everest, ina-advocate ‘clean water,’ ‘cure children’s cancer’

May kinalaman kaya ito sa relasyon nila bilang “malapit na magkaibigan” ni Coco Martin na natitsismis ngayon kay Yassi Pressman na bagong leading lady nito sa FPJ’s Ang Probinsyano?

Matatandaan na ang ganda ng mga ngiti ni Coco sa 100 Weeks celebration ng Probinsyano kapag nababanggit ang pangalan ni Yassi. Bagamat itinatanggi nila ang tsismis ay hindi pa rin tumitigil ang mga haka-haka na baka may maganda nang namamagitan sa kanilang dalawa.

Heto pa, kung bakit naman sumakto sa mga bulung-bulungan ang nakuha naming reaksiyon kay Direk Malu Sevilla nang kumustahin namin sina Coco at Julia. Ang mabilis na sagot, “sila ba?” na inoohan namin.

Kaswal din naming sinabi na baka nag-iipon na para sa future nila ni Julia kaya work to death si Coco at ang walang malisyang sagot sa amin, “Si Julia nga ba ang pakakasalan?”

Wala rin kaming malisya para kina Coco at Yassi habang kinakapanayam namin si Direk Malu at dahil nga alam naming si Julia ang laman ng puso ng King of Philippine Television ay hindi namin pinag-isipan ang mga sagot sa amin.

Habang tinitipa namin ang item na ito, saka lang nagbalik-alaala ang lahat ng mga taong nakakausap namin na parang duda sila kung sina Coco at Julia pa.

Hayun na nga at nagkataon pang nag-post si Julia nitong Sabado ng, “I was quiet, but I was not blind. --Jane Austen.”

Basta kami, naniniwala pa ring sina Coco at Julia pa rin sa tunay na buhay at si Yassi ay leading lady ‘lang’ ng aktor sa Ang Probinsyano.

Mabait si Yassi, matinong babae, pero siguro hindi naman ipagpapalit ni Coco si Julia na matagal na niyang hinihintay na tuluyang magdalaga. Yes, hintayan ang kanilang love story.

Kaya Julia, ‘wag ka nang umiyak, sa mundong pabagu-bago. Kung wala ka nang maintindihan, sa Diyos ka kumapit dahil hindi ka Niya pababayaan.

Basta tayo, Bossing DMB, solid CocoJuls, di ba?

(May nagaganap na palang ganito? Kailangan nating mainterbyu si Julia o si Coco o si Yassi.)