ni Bella Gamotea

May dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ngayong linggo.

Sa taya ng Department of Energy (DoE), posibleng tumaas ng 45 sentimos ang kada litro ng gasolina at 25 sentimos naman ang ibabawas sa diesel.

Ang dagdag-bawas sa presyo ay dala ng paggalaw sa presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nitong Agosto 8, nagpatupad ng price hike na P1 sa kada litro ng gasolina, 85 sentimos sa kerosene at 80 sentimos sa diesel.