Ni: Marivic Awitan

NAGSIMULA nang tumanggap ng aplikasyon ang tanggapan ng Philippine Basketball Association (PBA) mula sa mga manlalarong nasa amateur ranks na gustong makipagsapalaran para sa darating na 2017 PBA Annual Rookie Draft.

Nakatakdang idaos ang drafting sa Oktubre 29 sa Robinson’s Place Manila sa Ermita.

Ang deadline o huling araw para makapagsumite ng aplikasyon at lahat ng mga kinakailangang mga dokumento para sa mga Fil-foreign players ay sa Setyembre 1 habang Oktubre 12 naman para sa last ng mga local-born applicants.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Pagkatapos mailabas ang listahan ng mga Fil-foreign applicants, magsasagawa ang PBA ng isang buwang deliberasyon hanggang sa matukoy kung sinu-sino ang bubuo sa finalist na ilalabas naman sa Oktubre 27.

Muling magdaraos ng Draft Combine na gaganapin sa loob ng dalawang araw bago matapos ang drafting kung saan masusukat ang skills at physical abilities ng mga draft applicants.

Ilan sa mga matutunog na pangalang inaasahang mangunguna sa draft ay sina Jerome, Tang, Jason Perkins, Reymar Jose, Tey Teodoro at Rey Nambatac.