Ni: Orly L. Barcala

Hindi nakaligtas sa awtoridad ang limang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa anti-drug operation sa tabi ng ilog sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Sa report ni Police Sr. Inspector Jesus Mansibang, head ng Police Community Precinct (PCP) 2, kay Police Sr. Supt. Ronaldo O. Mendoza, hepe ng Valenzuela Police, kinilala ang mga inaresto na sina Rheally Liquigan, 37; Crisanta Cangay, 45, kapwa ng No. 4393 Bernardino Street, Barangay Gen. T. De Leon; Maribel Soyibiel, 35; Joel Pettalo, 37, kapwa ng No. 3347 Policarpio St., Bgy. Gen. T. De Leon; at Pedrito Macapagal, 43, ng San Miguel Heights, Bgy. Marulas.

Ayon kay Mansibang, isinagawa ang operasyon sa gilid ng Tullahan River sa San Gregorio St., Bgy. Gen. T. De Leon, bandang 1:00 ng hapon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nabatid na ang nasabing lugar ay paboritong tambayan ng mga gumagamit ng ilegal na droga.

Sinampahan ang mga suspek, na nakuhanan ng apat na pakete ng umano’y shabu at drug paraphernalia, ng kasong paglabag sa section 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).