NI: Gilbert Espeña

HAHAMUNIN ni IBF Youth flyweight champion Robert Onggocan ng Pilipinas si German International 112 pounds titlist Mirco Martin sa Agosto 12 sa Saarland, Germany.

Unang laban ito ni Ongocan sa Europa bagamat nakuha niya ang IBF title nang patulugin ang dating kampeon na si Iwan Zoda sa teritoryo nito sa Ngabang, Indonesia.

Tiyak na papasok sa world rankings ang tubong Dapitan City, Zamboanga del Norte kung tatalunin niya si Martin na No. 1 fighter ng Germany sa flyweight division.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

May kartada si Onggocan na 9-1-0 na may limang panalo sa knockouts samantalang si Martin ay may perpektong siyam na panalo, tampok ang limang knockouts.